October 30 2009
October 30, 2009OO.
Nung October 20, yun yung set na date na celebrate niya birthday niya with me. Kasi daw October 21, pang family lang niya. At the end of the day, kasama ako nung birthday niya.
Kasama din ako last weekend sa Pansol nung nagbakasyon yung team niya sa office. Kahit sila gulat.
Kahit ako gulat.
Ilang na ilang.
After nun, text na lang or chat.
Kanina kasi sinabihan ako ng mom ko na magluto ng dinner. Ininvite ko siya. Matagal na din. Ayaw niya kasi may lakad siya. This week, after office parati siya may lakad. So, sabi ko san? Friends. Okay. Di siya pupunta. Tinanong ko pano kung magpunta ako sa office niya tapos may lakad siya. Ang sagot. YUN LANG. Hindi naman daw ako nagsasabi ng lakad ko nung kami pa, ano pa kaya ngayon.
Hindi ako umaalis ng bahay. Ilang buwan na. Kung aalis man ako, siya pa kasama ko. Kung magpapaka ampalaya ako, siguro binalik ko na lang ng binalik yung mga panahon na naging irrational siya mag isip. Yung may sakit ako, nagka babae pa siya. Pero hindi eh. Ayoko na bumalik dun. Hindi pagtakas ang tawag dun. Ang tawag dun, moving forward.
Ngayon, ako ang palpak… kelangan ko ba maghintay ng ilang taon para masabi niyang, naka move forward na siya?
Hindi daw sila matutuloy sa Lipa bukas kasi nga daw may bagyo. Sabi niya makakapunta pa siya dito bukas. EH MAY BAGYO NGA EH. “Eh di sa Linggo”…
Adjust…. adjust…. adjust….
Simula sa pagpunta niya sa Japan…. adjust… according to his availability. Minsan ako yung wala sa sarili pero, adjust lang. Tinatanong ko sarili ko, kung magaasawa ko, ito ba ang klase ng asawa na gusto ko magkaron?! Yung mabubuhay ka sa kahapon, yung adjust lang ng adjust…. yung ganon.
I’m looking for jobs na sa ibang bansa. Parang everything’s not working out for me here sa Philippines. I think I need a new life. A fresh start. Yung wala akong kilala. Una kong makikilala perfect stranger tapos magiging bestfriend ko. Tapos yung work ko magiging okay kasi sanay na ko sa ropes. Tapos palagi na ako nagtatravel kasi wala na akong ibang iniisip. I can help my mom na. I can get a good doctor pa.
It’s tiring. Yung magtatampo ka pero friends lang naman kayo. Yung masabihan ka ng ganun, pero may nangyari sa inyo kahit friends lang kayo. Tapos ano, you’ll just take it in?
Buti nalang kahapon, nakausap ko si Jhackie at natuwa ako kasi yung ugali niya hindi nagbago. Protective pa rin. Honest pa rin ang opinion niya. Kanina nakausap ko si Mond. Kahit sandali lang. Kape daw. Naiisip ko, is this His way of telling me to let go na kasi I found my friends na makakapitan? Kahit nuon pa naman eh. Andiyan si D’ryan. Nasermonan pa ako nun eh. According to him, kelangan walang communication. Pag break, BREAK! Siguro nga ako lang tong kumakapit.
Ang hirap.
Para akong pilay.


