October 17 2009
October 17, 200911:44 PM
I know, it’s hard. Mahirap mag let go. Mahirap ibigay yung gusto ng iba, tapos hindi yun ang gusto mo. Mahirap din umasa na ibigay sayo yung gusto mo, pero hindi yun ang gusto niya. Birthday na ni JP sa 21. Hindi malakas ang kita ko being a consultant. Nag uumpisa pa lang ako eh. Compare mo naman sa kanya… stable ang income, sarili niya decision niya. Wala pa ako sa ganun. Meron na akong nabili for him yesterday nung nagkita kami nila Mitch sa greenhills. While Mitch and Cathy went back to Music Museum to cheer for Dick, kami nila Jamyl and Rox naghanap naman ng stuff. Si Rox naghahanap ng accessories. Ako may nakitang striped knit shirt, naalala si JP. I planned to buy 2 nga eh para parehas kami. Kaso I didn’t bring my wallet, and enough cash. They don’t accept credit card naman. So for JP na lang ang binili ko.
When I got home yesterday, binalot ko na agad. Tapos I looked for my portfolio kasi meron akong isang paper dun na lahat ng doodles ko while talking to him nung nasa Japan pa siya, pinakita ko sa kanya. May mga comments pa nga siya dun eh. Kesho hindi pantay, hindi tama yung kulay… very raw ideas kasi eh. I made a three-fold card out of it. I wrote a birthday note… tapos ‘love always’.
I woke up late today. Heavy head. Daig ko pa may hang over. I have colds, slight cough tapos medyo may fever. Probably because of the colds. I told Mitch na hindi ako sure kung makakasama ako. Although kapag kasama si JP, sama ako kasi I know for sure mag eenjoy ako kahit I’m not feeling so well. So I called him. Kasi sabi ni Mitch hindi daw nagrereply sa kanya. I woke him up pala. Tapos mainit na ulo niya. Nagsorry ako for waking him up.
Then it started. The topic jumped to the few months that happened way back. Hindi daw niya alam yung mga pag alis alis ko. He can’t be friends daw with me kasi ang daming grey area. Ang dami daw niya hindi alam. Hindi clear. I mean, that’s why we’ve broken up nga eh. And now, we’re friends.
One time we’ve talked about it, we are fixing ourselves for each other. Ngayon, sa mga text niya, parang ako lang may kasalanan ng lahat. I’m carrying the burden myself na nga. Hindi ko kinaya nung umalis siya. I’m paying for it na. I was wrong. It was my fault. But before today, we were going out for a movie, burger dinner…. timezone… hang out talaga as friends. And there was this event pa nga na I reminded him na ‘baby steps muna… kasi we’re fixing ourselves pa’. Pero ngayon, yung mga messages niya parang ako na yung pinaka masamang tao. Parang kasalanan ko talaga to why it all happened.
I mean, since we broke up and became friends, I’m just maintaining my distance. Kasi I’m still inlove with him… obviously. People smack me on the head for not letting go. Pero I still have this feeling that everything will be fine. I had the courage and strength to forgive him when he had another woman. Pero siya iba eh. He just won’t forgive me… won’t let go of that mistake I made.
Nandun pa rin ako sa state na yun… sa level na yun… akala ko one step improvement na eh. We took three steps back pala. I have no money. No stable job. 1 month nako hindi lumalabas ng bahay, if I do, kasama pa siya. What did I do now? San pa ko nagkamali? Lahat na lang. Pati paghinga ko yata mali eh.
Ayoko na magmukhang masama. Ako kasi yung harsh but with good intentions. Siya yung likeable. Siya yung funny, light and masarap kasama. Ako daw, parating serious. Konti lang yung nakaka alam na loka loka rin ako. Konti lang kasi yung nagdare na makasama ako talaga. Marami yung takot. Hindi nila alam, tao rin ako. May weaknesses, at naapektohan din. And at this point, ako na yung nagmumukhang naghahabol. Ako na yung mukhang sobrang kapal.
Kanina nasabihan ako ng friend and batchmate ko. Tandaan ko daw na ako ang babae… at ako dapat ang hinahabol. Pero kilala ko si JP. Hindi yan maghahabol. Ganyan kalaki galit niya sa akin eh. Hindi na mangyayari yun. Gusto nga niya civil na lang kami. Puro text. Puro text talaga. Tumatawag ako nirereject niya. Hindi daw magandang mag usap kami ngayon. Kasi argument daw. Argument? Wala na nga akong lakas makipag away. Ingat na ingat na nga ako kapag siya. Kasi baka maliit na pagkakamali ko lang, lumaki na. Ganun ako katakot sa kanya.
Kanina dinner time, tinawag ako ni Gin (cousin ko) para kumain. Hindi ako lumilingon. Kaharap ko lang monitor ko. Facebook lang ang ginagawa ko. Alam niya umiiyak ako. At hindi ako nagpapakita sa kanya pag umiiyak ako kaya hindi ako lumilingon. Nag offer na lang siya ng kape. Dinalan ako ng maid. Maka-JP yun ah. Ayaw daw niya sa iba. Ayaw daw niya na iba maging boyfriend ko o mapang asawa ko. Mas napaiyak ako nung naalala ko yun.
Sa totoo lang, madami naman pinapakilala sa akin eh. Tanggi na ako ng tanggi. Hindi ako kagandahan. Hindi ako sexy. Hindi ko na rin alam kung bakit puro pagdududa. Umikot na mundo ko kay JP pero hindi pa rin niya alam yun?!
Masakit na talaga ah. It takes more than this to hurt me… pero ito nag rereklamo na ko. Dahil ito masakit na talaga.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


